Paano ako magrerehistro bilang isang legal entity?
Para magbukas ng account para sa isang legal entity, sundin ang mga hakbang na ito:
1. Magrehistro ng bagong Members Area (habang nagrerehistro, gamitin ang personal na impormasyon ng taong mamamahala ng account).
2. Ipadala sa info@roboforex.com ang kopya ng lahat ng kailangang dokumento (na nakalista sa ibaba) at ilagay ang mga sumusunod na impormasyon:
- Ang layunin mo sa pagbubukas ng Members Area bilang isang legal entity
- Ang saklaw ng mga aktibidad ng kumpanya mo
- Ang payment system na plano mong gamitin para magdeposito
- Ang halaga na pinaplano mong ideposito
- Ang website ng kumpanya mo
Mga kailangang dokumento:
- Certificate of Incorporation
- Sertipikasyon ng nakarehistrong address
- Sertipikasyon ng mga director at secretary
- Memorandum at Articles of Association
- Resolution ng Board of Directors para sa pagbubukas ng account at pagbibigay ng pahintulot para sa mga magpapatakbo nito
- Sertipikasyon ng Shareholders
- Bagong Certificate of Good Standing (in-isyu ng Registrar)
- Kopya ng Trust Deed/Agreement (kung naaangkop)
- Naka-scan na kopya ng auditor's report noong nakaraang financial year o katumbas na dokumento na kumukumpirma sa pinagmumulan ng pera
- Mga dokumento para sa mga sumusunod na indibidwal:
- Mga director
- Mga shareholder
- Mga ultimate beneficiary
- Mga signatory
Mga patakaran at requirements:
1. Kung nakarehistro ang Members Area sa isang indibidwal at ang account na naka-attach sa naturang Members Area ay dati nang dinepositohan ng indibidwal, hindi ito pwedeng maging Corporate account.
2. Kung ang direkta o immediate na principal shareholder ay isa pang legal entity, kailangang i-verify ng Kumpanya ang pagmamay-ari at katauhan ng beneficial owners at/o ng mga kumokontrol sa kabilang legal entity batay sa mga dokumentong binanggit sa itaas.
3. Na-translate dapat sa Ingles ang lahat ng dokumento, kasabay ng mga orihinal na kopya, at pinirmahan at tinatakan dapat ito ng notaryo.
4. Hanggang 10 MB ang pinapayagang file size, at ang mga tinatanggap na extensions ay bmp, gif, jpg, jpeg, pdf, png, at zip. Kung lumagpas sa 10 MB ang kabuuang laki ng files, ipadala ito sa magkakahiwalay na email, at siguraduhin na hindi lalagpas sa limit ang bawat email.
Nakatulong ba ang artikulong ito?
Ang galing!
Salamat sa iyong puna
Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong
Salamat sa iyong puna
Ipinadala ang feedback
Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo