Bakit na-close ang trade kahit na wala akong ginagawa?

Maaaring na-close ang trading position dahil sa isa sa mga sumusunod na dahilan:


1. Stop-Out:

Umabot sa Stop-Out level ang margin level ng iyong trading account. Ang Stop-Out ay isang order na awtomatikong ginagawa ng server para i-close ang mga position kapag bumagsak ang margin sa isang partikular na lebel. Depende sa klase ng account ang magiging porsyento kung saan mangyayari ang Stop-Out. Makikita mo dito ang kasalukuyang Stop-Out level para sa bawat klase ng account.


Margin Level = (Equity / Margin) x 100, kung saan:


- Ang margin ay ang halaga ng pera na kailangan para panatilihin ang mga open position, na nakalagay sa currency ng deposito.

- Ang equity ang ang kasalukuyang halaga ng pera, na sumasalamin sa resulta ng mga open position. Kinakalkula ito bilang:

  Equity = Balanse + Floating na Kita - Floating na Pagkalugi


Halimbawa:

Meron kang Pro account (Stop-Out = 40%) at deposito na 100 USD. Ang kasalukuyan mong margin ay 30 USD. Kung nagresulta sa pagkalugi na 88 USD (Equity = 100 - 88 = 12) ang open positions mo, ang kalkulasyon ay magiging:

Margin Level = 12 / 30 x 100 = 40%.

Sa puntong ito, magkakaroon ng Stop-Out, at iko-close ang mga position mo dahil sa hindi sapat na pera.


2. Na-execute ang Stop Loss o Take Profit:

Umabot ang presyo ng asset sa Stop Loss o Take Profit level, kaya awtomatikong na-close ang position.


3. Trailing Stop:

Na-activate ang trailing Stop, kaya na-close ang position.


4. Mga corporate event:

Hindi ito naproseso ng kumpanya dahil sa isang corporate event. Magbasa pa tungkol dito.


5. Nag-expire ang CFD sa Futures: 

Umabot na ang trading instrument sa petsa ng pag-expire ng contract (CFD sa Futures).

Nakatulong ba ang artikulong ito?

Ang galing!

Salamat sa iyong puna

Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong

Salamat sa iyong puna

Ipaalam sa amin kung paano namin mapapabuti ang artikulong ito!

Pumili ng kahit isa sa mga dahilan
Kinakailangan ang pagpapatunay ng CAPTCHA.

Ipinadala ang feedback

Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo