Ano ang copying mode?

Kapag nag-subscribe ka sa strategy ng isang Trader sa Copy Trading Service, kailangan mong pumili ng copying mode. Ang setting na ito ang nagtatakda kung paano kinakalkula at kinokopya ang mga trade volume mula sa account ng Trader papunta sa iyong account.


May tatlong copying modes, bawat isa ay may sariling rules:


1. Proportional Mode


Ina-adjust ang volume base sa pagkakaiba ng Equity ng account mo at ng Trader sa oras ng pagkopya.


Paano ito gumagana: 

  • Nagse-set ka ng Ratio multiplier (hal. 1) 
  • Kinakalkula ang volume base sa parehong Equity


Halimbawa:

Equity ng Trader = 8,000 USD

Equity mo = 2,000 USD

Original trade = 2 lots

Copied trade = (2,000 ÷ 8,000) × 2 × 1 = 0.5 lots

Dahil mas mababa ang Equity mo, mas maliit din ang copied trade volume.


2. Classic Mode


Kinokopya ang mga trade gamit ang parehong volume ng Trader pero imumultiply sa iyong Ratio. Hindi isinasama ang Equity mo.


Halimbawa:

Ratio = 0.50

Nagbukas ang Trader = 3.00 lots

Copied trade = 3.00 × 0.50 = 1.50 lots


3. Fixed Mode


Pumipili ka ng tiyak na volume (hindi multiplier). Bawat trade ay kokopyahin sa parehong fixed lot size, kahit ano pa ang volume ng Trader o Equity mo.


Halimbawa:

Ratio = 0.10 (0.10 lots kada trade)

Nagbukas ang Trader = 0.85 lots

Copied trade = 0.10 lots


Mahalagang malaman

  • Kung masyadong maliit o malaki ang copied trade volume para sa instrumento, ito ay awtomatikong ia-adjust sa pinakamalapit na valid value (maliban kung pinili mo ang “Round Down”). 
  • Kung hindi tugma ang volume sa volume step ng instrumento, iroround ito ayon sa napili mong rounding method.

Nakatulong ba ang artikulong ito?

Ang galing!

Salamat sa iyong puna

Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong

Salamat sa iyong puna

Ipaalam sa amin kung paano namin mapapabuti ang artikulong ito!

Pumili ng kahit isa sa mga dahilan
Kinakailangan ang pagpapatunay ng CAPTCHA.

Ipinadala ang feedback

Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo