Mga Kondisyon ng Subscription

Ang iyong subscription conditions ang pangunahing settings na nagde-define ng offer mo sa potential Investors. Sinet mo ito kapag nagsimula ka bilang Trader sa Copy Trading Service, at maaari mo itong i-update kung kailangan.


✅ Main Settings:

1. Commission Scheme at Rate

Pumili kung paano ka kikita mula sa Investors: 

• Performance Fee – % ng profit ng Investor (5%–50%) 

• Subscription Fee – fixed fee kada period ($5–$100) 

• Trader Without Commission – nagte-trade nang walang fee


2. Investment Period

Tagal bago mo matanggap ang commission: 

• 1 linggo 

• 2 linggo 

• 4 linggo


3. Start Date

Kung kailan magiging available ang offer mo sa Investors.


4. Partner Program

Payagan ang iba na i-promote ang strategy mo. Mag-set ng Partner commission rate mula 10% hanggang 90%.


⚙️ Extra Settings:

1. Minimum Deposit (USD)

Minimum na halaga na kailangan ng Investor para makasubscribe.


2. Subscription Mode para sa Investors

•  Free – kahit sino ay puwedeng mag-subscribe agad 

•  By Request – ikaw ang mag-aapprove ng bawat subscription (para sa MT4). Maaari ka ring mag-tick ng Show in Rating para makita ng iba ang strategy mo.


3. Account na tatanggap ng Commission

(MT4 & MT5 lang) Pumili kung saan ipapadala ang commissions na kinita mo.


4. Delay Time

I-set kung gaano kabilis lumalabas ang trades mo sa Tradewall ng Copy Trading Service.


5. Strategy Name & Description

Bigyan ng pangalan at maikling malinaw na paglalarawan ang iyong strategy.


Mahalagang Notes:

• Maaari mong baguhin ang main subscription conditions isang beses kada 24 oras, maliban tuwing Biyernes 11:00 PM – Sabado 12:00 AM (server time). 

• Ang updates sa main settings ay nag-e-effect tuwing Lunes. Ang changes na ginawa sa weekend ay mag-e-effect sa susunod na Lunes. 

• Para mabago ang commission scheme, siguraduhin na walang open positions sa account; kung meron, sa susunod na Lunes pa ito mag-a-apply. 

• Extra settings ay puwedeng baguhin anumang oras (hindi hihigit sa isang beses kada oras) at nag-a-apply agad pagkatapos i-save.

Nakatulong ba ang artikulong ito?

Ang galing!

Salamat sa iyong puna

Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong

Salamat sa iyong puna

Ipaalam sa amin kung paano namin mapapabuti ang artikulong ito!

Pumili ng kahit isa sa mga dahilan
Kinakailangan ang pagpapatunay ng CAPTCHA.

Ipinadala ang feedback

Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo