Ano-ano ang klase ng orders at ang ibig sabihin nito sa platform?
1. Market Order
Mag-buy o sell ng order sa kasalukuyang presyo sa market. Ginagarantisado ng execution venue ang pinakamagandang presyo. Hindi garantisado ang ni-request na presyo sa order.
2. Buy Limit Order
Pending order para mag-buy ng mas mababa kaysa sa kasalukuyang presyo sa market. Kondisyon para ma-trigger: ang kasalukuyang Ask price ay mas mababa o kaparehas ng idineklarang presyo ng order. Garantisado ang ni-request na presyo sa order. Mas maganda o kaparehas ng idineklarang presyo ang i-e-execute na order.
3. Buy Stop Order
Pending order para bumili ng mas mataas kaysa sa kasalukuyang presyo ng market. Kondisyon para ma-trigger sa FX/mga index: ang kasalukuyang Ask price ay mas mataas o kaparehas ng idineklarang presyo ng order. Kondisyon para ma-trigger sa stocks: ang huling presyo ay mas mataas o kaparehas ng idineklarang presyo sa order. Hindi garantisado ang ni-request na presyo sa order.
4. Sell Limit Order
Pending order para mag-sell ng mas mataas kaysa sa kasalukuyang presyo sa market. Kondisyon para ma-trigger: ang kasalukuyang Bid price ay mas mataas o katumbas ng idineklarang presyo sa order. Garantisado ang ni-request na presyo sa order. Mas maganda o kaparehas ng idineklarang presyo ang i-e-execute na order.
5. Sell Stop Order
Pending order para mag-sell ng mas mababa kaysa sa kasalukuyang presyo sa market. Kondisyon para ma-trigger sa FX/mga index: ang kasalukuyang Bid price ay mas mababa o kaparehas ng idineklarang presyo sa order. Kondisyon para ma-trigger sa stocks: ang huling presyo ay mas mababa o kaparehas ng idineklarang presyo sa order. Hindi garantisado ang ni-request na presyo sa order.
6. Pakakaroon Oras ng Pag-expire (Buy Limit, Buy Stop, Sell Limit, Sell Stop):
Good Til Cancelled (GTC) – Agad na valid ang order sa sandaling ginawa ito hanggang sa oras na ma-cancel.
Day order – Mananatili ang order hanggang sa katapusan ng trading day, at makakansela ito kung hindi na-trigger.
Katapusan ng Linggo – Magiging valid ang order hanggang Biyernes, ang katapusan ng linggo.
Katapusan ng Buwan – Magiging valid ang order hanggang sa huling business day ng buwan.
Piliin ang Petsa at Oras – Personal na preference para sa napiling validity.
7. Stop Loss Order
Stop order para ma-close ang deal. Kondisyon para ma-trigger sa FX/mga index: umabot sa Stop Loss level ang kasalukuyang Bid price (para sa BUY na deals) o kasalukuyang Ask price (para sa SELL na deals). Kondisyon para ma-trigger sa stocks: umabot sa Stop Loss level ang huling presyo. Hindi garantisado ang ni-request na presyo sa order.
8. Trailing Stop
Ang Trailing Stop ay isang klase ng dynamic Stop Loss na sumusunod sa presyo. Kapag naglagay ka ng Trailing Stop, ilalagay mo ang bilang ng pips sa pagitan ng kasalukuyang presyo at ng Trailing Stop. Kung papabor ang market sa'yo, susundan ng Trailing Stop ang presyo at mati-trigger lang ito sa sandaling bumaliktad ang presyo at gumalaw sa nakasaad na pips. Depende sa klase ng instrument ang kasalukuyang presyo:
Stocks: "Huling presyo"
Ibang instruments (mga long position): "Bid price"
Ibang instruments (mga short position): "Ask price"
9. Take Profit Order
Limit order para ma-close ang deal. Kondisyon para ma-trigger: umabot sa Take Profit level ang kasalukuyang Bid price (para sa BUY na deals) o kasalukuyang Ask price (para sa SELL na deals). Garantisado ang ni-request na presyo sa order. Ang presyong i-e-execute ay katumbas o mas maganda sa idineklarang presyo sa Take Profit.
10. Stop Out Order
Stop order para ma-close ang deal. Kondisyon para ma-trigger: Katumbas o mas mababa sa Stop-Out level ang margin level.
11. Mga kahulugan
Klase ng Order – Market, Limit, Stop, Stop Loss, Take Profit, Stop Out
Status ng Order – Aktibo, ine-execute (filling), filled, kinansela, tinanggihan.
Idineklarang Presyo ng Order – ang presyo ng order bago ma-trigger ang order para ma-execute ito.
Filled order price – ang presyo ng order pagkatapos ma-fill nito.
Huling presyo – ang presyo kung saan huling na-execute ang transaksyon. Ipinapakita ng stock instruments ang huling presyo sa chart.
Deal – ang resulta ng in-execute na order. Anumang na-fill na order na mag-o-open o magko-close ng deal.
Status ng deal – open, closing, closed, trade.
Nakatulong ba ang artikulong ito?
Ang galing!
Salamat sa iyong puna
Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong
Salamat sa iyong puna
Ipinadala ang feedback
Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo