Ano ang leverage?

Ang leverage ay ang ratio sa pagitan ng sariling pera ng kliyente at ang hiniram niyang pera mula sa broker.

Halimbawa, sa leverage na 1:100, para makapag-execute ng transaksyon, kailangang 100 beses na mas maliit ang balanse sa account ng kliyente kumpara sa kabuuang halaga ng transaksyon.


Tingnan natin ang isa pang halimbawa:

Kung pinili ng kliyente ang leverage na 1:500 at may €200 sa kanyang account, magagamit niya 'tong leverage para bumili ng contract na nagkakahalaga ng €100,000. Ang kailangang margin para sa transaksyong ito ay €100,000 ÷ 500 = €200, na kumakatawan sa pera na nasa account ng kliyente.


Sa kabilang banda, kung 1:1 ang leverage ng account (walang leverage), kakailanganin ng kliyente ang buong €100,000 sa kanyang account para makabili ng contract na nagkakahalaga ng €100,000 (€100,000 ÷ 1 = €100,000).


Nag-iiba ang leverage depende sa klase ng account at trading instrument. Pwede mong pag-aralan dito ang magagamit na leverage sa bawat klase ng account.


Kung may fixed leverage ang isang partikular na instrument, makikita ito sa column ng "Fixed leverage" sa Contract Specifications.

Nakatulong ba ang artikulong ito?

Ang galing!

Salamat sa iyong puna

Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong

Salamat sa iyong puna

Ipaalam sa amin kung paano namin mapapabuti ang artikulong ito!

Pumili ng kahit isa sa mga dahilan
Kinakailangan ang pagpapatunay ng CAPTCHA.

Ipinadala ang feedback

Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo