Ano-ano ang mga klase ng pending orders?
Ang pending order ay isang bilin mula sa kliyente na bumili at magbenta ng isang financial instrument sa isang nakatakdang presyo sa hinaharap.
May apat na klase ng pending orders:
1. Buy Limit – Ginagamit ang order na 'to para bumili sa sandaling naabot ng Ask price ang itinakdang lebel. Mas mataas ang kasalukuyang presyo kaysa sa inilagay na presyo sa order. Ine-execute ang ganitong order sa katumbas o mas mababang halaga kaysa sa presyo na nakalagay sa order. Kadalasan, pini-place ang Buy Limit orders kapag inaasahan ng trader na bababa ang presyo papunta sa isang nakatakdang lebel bago 'to tumaas ulit.
2. Buy Stop – Ginagamit ang order na 'to para bumili sa sandaling naabot ng Ask price ang itinakdang lebel. Mas mababa ang kasalukuyang presyo kaysa sa inilagay na presyo sa order. Kapag na-execute ito, ipi-fill ang order sa kasalukuyang presyo sa market, na maaaring iba kaysa sa presyong nakasaad sa order. Pini-place ang Buy Stop orders sa pag-asang patuloy na tataas ang presyo sa sandaling naabot nito ang itinakdang lebel.
3. Sell Limit – Ginagamit ang order na 'to para magbenta sa sandaling naabot ng Bid price ang itinakdang lebel. Mas mababa ang kasalukuyang presyo kaysa sa inilagay na presyo sa order. Ine-execute ang ganitong order sa katumbas o mas mataas na halaga kaysa sa presyo na nakalagay sa order. Pini-place ang Sell Limit orders kapag inaasahan ng trader na tataas ang presyo papunta sa isang nakatakdang lebel bago 'to bumaba ulit.
4. Sell Stop – Ginagamit ang order na 'to para magbenta sa sandaling naabot ng Bid price ang itinakdang lebel. Mas mataas ang kasalukuyang presyo kaysa sa inilagay na presyo sa order. Kapag na-execute ito, ipi-fill ang order sa kasalukuyang presyo sa market, na maaaring iba kaysa sa presyong nakasaad. Pini-place ang Sell Stop orders sa pag-asang patuloy na bababa ang presyo sa sandaling naabot nito ang itinakdang lebel.
Nakatulong ba ang artikulong ito?
Ang galing!
Salamat sa iyong puna
Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong
Salamat sa iyong puna
Ipinadala ang feedback
Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo