Paano kinakalkula ang kita sa financial markets?
Kapag nagti-trade sa financial markets, bibili o magbebenta ka ng financial instruments batay sa pag-asang tataas o bababa ang presyo nito.
Kapag inaasahan mo na tataas ang presyo, mag-o-open ka ng buy order. Sa kabilang banda, mag-o-open ka ng sell order kung inaasahan mo na bababa ang presyo.
Ang kita mo ay ang pagkakaiba sa pagitan ng presyo kung saan bibilhin o ibebenta mo ang asset, at ang presyo kung saan na-close ang order, na binawasan ng anumang spread o komisyon na siningil ng broker.
Halimbawa:
Bumili ka ng 1 lot ng EURUSD sa 1.2291, na katumbas ng 100,000 EUR (ang 1 lot ay 100,000 units ng base currency) para sa halagang 122,910 USD (1.2291 x 100,000).
Kinalaunan, tumaas ang presyo sa 1.2391, at iko-close mo ang position. Ang 100,000 EUR na binili mo ay nagkakahalaga na ngayon ng 123,910 USD (1.2391 x 100,000).
Ang kita mo ay 123,910 - 122,910 = 1,000 USD.
Nakatulong ba ang artikulong ito?
Ang galing!
Salamat sa iyong puna
Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong
Salamat sa iyong puna
Ipinadala ang feedback
Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo