Ano ang copying mode?

Ang copying mode ay ang setting na pipiliin mo kapag nagsa-subscribe ka sa isang istratehiya. Gumagamit ito ng partikular na ratio para matukoy ang volume ng trade na kokopyahin mula sa istratehiya papunta sa account mo.

Mga klase ng copying mode:

  1. Proporsyonal. Kinokopya ang trades depende sa naka-adjust na volume na batay sa equity ng kinokopyang trader at sarili mong equity noong panahong ginawa ang trade.
  2. Classic. Eksaktong kinokopya ang volume ng trade na itinatakda ng trader, na may opsyon na i-multiply ito sa isang partikular na ratio (hindi isinasaalang-alang ang equity).
  3. Fixed. Kinokopya sa account mo ang eksaktong volume na itatakda mo bilang ratio, anuman ang volume o equity ng trader.

Halimbawa ng copying modes:

Proporsyonal

Halimbawa 1:
Naglagay ka ng multiplier (ratio) na 1.00.
Equity ng Trader = 2,000 USD
Equity mo = 5,000 USD
Volume ng orihinal na trade = 2.50 lots
Volume ng kinopyang trade = 6.25 lots (1 * 2.5 * (5,000/2,000))

Dahil mas mataas ang equity mo, mas mataas rin ang volume ng magiging trade.

Halimbawa 2:
Naglagay ka ng multiplier (ratio) na 2.50.
Equity ng Trader = 8,000 USD
Equity mo = 2,000 USD
Volume ng orihinal na trade = 2.00 lots
Volume ng kinopyang trade = 1.25 lots (2.5 * 2 * (2,000/8,000))

Tandaan: Dahil mas mababa ang equity mo, kahit na mas malaki ang iyong multiplier, mas maliit pa rin ang magiging volume ng kinopyang trade kumpara sa volume ng orihinal na trade.

Classic

Halimbawa 1:
Naglagay ka ng multiplier (ratio) na 0.50.
Volume ng orihinal na trade = 2.50 lots
Volume ng kinopyang trade = 1.25 lots (2.5 * 0.5)

Halimbawa 2:
Naglagay ka ng multiplier (ratio) na 2.00.
Volume ng orihinal na trade = 0.75 lots
Volume ng kinopyang trade = 1.50 lots (2 * 0.75)

Fixed

Halimbawa 1:
Naglagay ka ng ratio na 0.10.
Volume ng orihinal na trade = 0.83 lots
Volume ng kinopyang trade = 0.10 lots

Halimbawa 2:
Naglagay ka ng ratio na 1.50.
Volume ng orihinal na trade = 0.79 lots
Volume ng kinopyang trade = 1.50 lots

Mahalagang patakaran:

  1. Ang ratio o multiplier ng volume ay pwedeng mula 0.01 hanggang 100.00 at pwedeng itakda sa hanggang dalawang decimal place.
  2. Kung lumagpas ang volume ng trade sa pinakamababa o pinakamataas na pinapayagang saklaw ng instrument, kailangan itong baguhin papunta sa pinakamalapit na valid na volume (maliban na lang kung ginamit ang opsyon na "round down").
  3. Kung ang volume ng trade ay hindi tugma sa volume step ng instrument, ira-round ito sa pinakamalapit na valid na volume batay sa settings ng pag-round mo.

Nakatulong ba ang artikulong ito?

Ang galing!

Salamat sa iyong puna

Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong

Salamat sa iyong puna

Ipaalam sa amin kung paano namin mapapabuti ang artikulong ito!

Pumili ng kahit isa sa mga dahilan
Kinakailangan ang pagpapatunay ng CAPTCHA.

Ipinadala ang feedback

Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo