Ano-ano ang mga sinisingil sa R StocksTrader platform?

Dinadagdag ang markup sa market spread
Sa halip na maningil ng hiwalay na komisyon sa bawat order, idadagdag namin ang singil namin sa market spread. Maglalgay kami ng maliit na markup sa market spread, na humigit-kumulang 0.3% ng halaga ng instrument. Awtomatiko nang kasama ang markup sa presyong makikita mo kapag nag-trade ka.

Interes
Ito ang singil sa overnight na pag-rollover ng naka-leverage na position. Idinadagdag ang komisyon sa resulta ng position. Ina-apply ang leverage sa mga position depende sa klase ng instrument o account. Makikita sa "Contract Specifications" ng trading platfrorm ang leverage na ina-apply sa isang partikular na instrument para sa account mo.

Hindi fixed ang interest rate at maaari itong magbago nang walang pangunang abiso sa mga kliyente.

Paano kinakalkula ang interes?
<Presyo sa pag-open> * <Volume ng position> * <Interes (%) / 100 / 360>

Halimbawa:
Twitter: 100 shares, long position, interes - 7%
25 * 100 * (-7%) / 100 / 360 = (-0,49) USD

Triple ang interes na ipinapataw sa ilang instruments kada isang partikular na araw ng linggo. Alamin sa "Contract Specifications" kung kailan ipinapataw ang tripleng interes para sa bawat instrument.

Markup para sa conversion rate
Nagpapataw ng markup sa conversion rates kung sakaling kailangang i-convert ang pera na pinangti-trade ng stocks, ETFs, at CFDs. Tingnan sa "Contract Specifications" ang halaga ng markup para sa conversion ng bawat currency pair.

Para i-apply ang markup sa presyo, pwede mong gamitin ang sumusunod na formula:

Ask price na may markup = Ask + (Ask * Markup (%) / 100 / 2)
Bid price na may markup = Bid - (Bid * Markup (%) / 100 / 2)


Kapag kinakalkula ang resulta ng position, hiwalay na ipapataw ang conversion sa tinatayang exposure at dagdag na singil, pero hindi sa pinal na resulta. Heto ang formula:


Short position (Sell)


((Presyo sa pag-open * Volume ng position) / conversion rate - (Presyo sa pag-close * Volume ng position) / conversion rate) + dagdag na bayarin / conversion rate


Long position (Buy)


<Presyo sa pag-close> * <Volume ng position> / <Conversion rate> - <Presyo sa pag-open> <Position volume> / <Conversion rate> + <Dagdag na bayarin> / <Conversion rate>

Halimbawa:

Twitter: 100 shares, long position, presyo sa pag-open: $22.00, presyo sa pag-close: $26.00, swap: $1.5, ang trading account ay nasa EUR, markup: 0.5%, naaangkop na conversion rate (EURUSD) sa oras na in-open ang position: 1.11253, naaangkop na conversion rate (EURUSD) sa oras na kinalkula ito: 1.11233.

(26.00 * 100 / 1.11253 – 22.00 * 100 / 1.11233) + (-1.5) / 1.11253 = €345.7
 

Nakatulong ba ang artikulong ito?

Ang galing!

Salamat sa iyong puna

Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong

Salamat sa iyong puna

Ipaalam sa amin kung paano namin mapapabuti ang artikulong ito!

Pumili ng kahit isa sa mga dahilan
Kinakailangan ang pagpapatunay ng CAPTCHA.

Ipinadala ang feedback

Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo