Ano ang patakaran sa pag-execute ng stocks sa platform?

1. Nagiging aktibo ang Stop o Limit orders sa sandaling ginawa ito. Tanging ang mga aktibong orders ang pwede ma-update/makansela habang trading hours. Mahahanap sa tab ng "Aktibong Orders" ang summary ng account sa trading platform ng kliyente.

2. Ang anumang order na makakatupad ng isa sa mga kondisyon sa ibaba ay magkakaroon ng status na "filling"


2.1 Ipinadala ang Market order
2.2 Sa sandaling nagawa ang Stop Loss, Take Profit, Stop-Out orders
2.3 Nadeklara na na-trigger ang presyo ng Stop o Limit order


3. Hanapin ang lahat ng order na may status na "filling" sa tab ng "Aktibong Orders" sa trading platform ng kliyente, hanggang baguhin ng system ang status papuntang "filled" o "tinanggihan".

4. Sa katapusan ng bawat araw, awtomatikong kakanselahin ng system ang anumang order na may status na "filling".

5. Kapag na-execute ang isang order, may i-o-open o iko-close na kaugnay na deal sa filled order price, at babaguhin papuntang "filled" ang status ng order.

6. Kapag kinansela ng user ang order o tinanggihan ito ng system, magbabago ang status papuntang "kinansela" o "tinanggihan".

7. Hanapin ang lahat ng "filled", "kinansela" at "tinanggihan" na orders sa Trade Blotter tab na nasa trading platform ng kliyente.

8. Ine-execute lamang ang lahat ng orders tuwing trading hours ng mga instrument. Pamamahala ng order bago at pagkatapos ng trading session: mag-place ng order at baguhin ang Take Profit, Stop Loss, Limit, at Stop kahit na sarado ang market. I-e-execute ito pagkatapos magsimula ang trading session.

9. Kung sakaling mas mababa o katumbas ng Stop-Out level ang margin ng account, magpapadala ang system ng Stop-Out order (o orders) para i-close ang lahat ng naka-open na deals. Kung sakaling kinansela ng execution venue ang Stop-Out order at mas mababa o katumbas pa rin ng Stop-Out level ang margin ng account, magpapadala ulit ang system ng (mga) Stop-Out order.

10. Stop Loss, Take Profit, Stop Out, o Market orders na nagko-close ng deal, kung saan nagbabago ang status mula "filling" papunta sa deal status na "closing". Kung "filled" na ang kaakibat na order, magiging "closed" na ang deal. Kung tinanggihan ang kaakibat na order, magiging "open" ulit ang deal.

11. Makikita sa Positions tab ng trading platform ang lahat ng "open", "closing" at "closed" na deals.

12. Sa katapusan ng araw, batay sa oras sa server, iko-convert sa currency ng account ang lahat ng closed na deals at magiging trade ito sa trading platform ng kliyente.

13. Kung nagti-trade ng stocks, mahahanap ang lahat ng trades at balanse ng transaksyon (Deposito/Pag-withdraw) pati cash dividends sa History tab sa trading platform ng kliyente.

14. Para sa presyo at available na volume, umaasa ang RoboForex sa ikatlong partido na execution venue, kaya ang pag-execute ng mga order ng kliyente ay depende sa presyo at liquidity ng execution venue. Bagamat ine-execute ng RoboForex ang lahat ng order na pini-place ng mga kliyente, may karapatan itong tanggihan ang anumang klase ng order, at pwedeng tanggihan ng execution venue ang order.

15. Mga order na ipinadala bago magbukas ang trading session: Pakitandaan na maaaring tumaas-baba ang market kapag malapit nang mag-umpisa ang trading session, at kadalasang mabilis na nagbabago ang presyo at available na volume, at mabagal o pansamantalang hindi magagamit ang data feeds mula sa iba't-ibang market. Hindi magagarantisado ng RoboForex na makakatanggap ng pinakamagandang presyo ang orders na ipinadala kapag mag-uumpisa na ang trading. Pwede mong pag-aralan ang paggamit ng limit orders sa opening, pero kailangang gumamit ng market order kung gusto mo ng mas malaking tyansa na ma-fill ito. Kung sakaling tinanggihan ang Take Profit o Stop Loss orders, tatanggalin ang Take Profit at Stop Loss levels.

Nakatulong ba ang artikulong ito?

Ang galing!

Salamat sa iyong puna

Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong

Salamat sa iyong puna

Ipaalam sa amin kung paano namin mapapabuti ang artikulong ito!

Pumili ng kahit isa sa mga dahilan
Kinakailangan ang pagpapatunay ng CAPTCHA.

Ipinadala ang feedback

Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo