Ano-ano ang mga corporate action na nasa platform kapag nagti-trade ng stocks?
1. Mga Dividend:
Kung sakaling may open position sa stocks, ETFs, at CFDs, iki-credit o ide-debit sa "ex-dividend" date ang dividends sa account. Tingnan ang iskedyul ng "ex-dividend" dates mula sa seksyon ng "Corporate events" na makikita sa trading platform.
Long at short positions
Ang kliyenteng may hawak na long position sa ex-dividend date ay makakatanggap ng naaangkop na dividend sa anyo ng cash adjustment na iki-credit sa kaugnay na trading account. Hanapin sa "Cash Corrections" ang transaksyon sa ilalim ng "History" tab sa trading platform ng kliyente.
Ang kliyenteng may hawak na short position sa ex-dividend date ay makakatanggap ng naaangkop na dividend sa anyo ng cash adjustment na ide-debit sa kaugnay na trading account. Hanapin sa "Cash Corrections" ang transaksyon sa ilalim ng "History" tab sa trading platform ng kliyente.
Proseso ng dividends
Ide-debit/iki-credit sa account ang cash dividends pagdating ng ex-dividend date, 15:00 oras sa server. Hanapin ang transaksyon sa History tab.
Sa kaso ng mga long position, ang halaga ng cash dividend ay:
Dividend kada stock * Volume
kung saan:
Volume = Contracts * Laki ng contract
Sa kaso ng mga short position, ang halaga ng cash dividend ay:
(-1) * Dividend kada stock * Volume
kung saan:
Volume = Contracts * Laki ng contract
Magpapataw ang US ng buwis sa dividends na natanggap mula sa US stock market. Dahil dito, ide-debit sa account mo ang 15% ng halaga ng dividend na matatanggap mo, at ilalagay ito bilang "Dividend tax".
Ang dividend na idadagdag sa balanse ng account ay hindi makakaimpluwensya sa resulta ng position.
2. Stock splits
Kapag may stock split, makikita sa trading account ang naaangkop na adjustment sa position ng kliyente, alinsunod sa inanunsyong stock split.
Proseso ng split
Araw-araw na tumatakbo ang split tuwing 15:00, oras sa server. Sa prosesong ito, tatanggalin ang lahat ng aktibong pending orders (Limit, Stop) para sa kaugnay na stock.
Hiwalay na kinakalkula ang weighted average na presyo at kabuuang volume para sa lahat ng naka-open na deals na may short position at lahat ng naka-open na deals na may long position. Magkakaroon ito ng bagong open price at bagong volume para sa deal, na may maximum na volume para sa long at short deals. Kung sakaling nakatanggap ng fractional stocks ang deal, ili-liquidate ang naturang stocks para sa cash transactions – "Split cash correction". Ire-reset sa 0 at ililipat sa History tab ang volume ng iba pang deals para sa mga kaugnay na instrument.
3. Fractional stock adjustment
Kung sakaling nagresulta sa fractional position ang isang corporate action, may karapatan ang RoboForex na i-credit ang outstanding fractional component bilang cash adjustment, na iki-credit sa trading account ng kliyente.
4. Iba pang corporate actions
Hindi pinoproseso ng Kumpanya ang iba pang corporate events, kabilang ang pero hindi limitado sa mergers, acquisitions, tenders, at spin-offs. Kung hindi dividend o stock split ang corporate event, may karapatan ang kumpanya na i-close ang mga position ng kliyente sa huling presyo sa market noong huling trading session bago mangyari ang corporate event.
Hindi responsibilidad ng RoboForex na ipaalam sa mga kliyente ang mga anunsyo tungkol sa corporate actions.
Nakatulong ba ang artikulong ito?
Ang galing!
Salamat sa iyong puna
Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong
Salamat sa iyong puna
Ipinadala ang feedback
Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo