Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng netting at hedging position na accounting model?
Paano ka magti-trade sa account na may netting accounting model?
Kapag nagti-trade sa netting account model, pwede ka lang magkaroon ng isang open position kada instrument. Kaya naman:
- Kung may dalawa kang orders sa iisang direksyon, tataas ang open position.
- Kung nag-open ka ng dalawang order na may kaparehong volume pero sa magkabilang direksyon, iko-close ang kasalukuyang order at walang i-o-open na panibago.
- Kung ang bagong order ay baliktad sa kasalukuyang order at mas mataas ang volume nito, babaliktarin ang kasalukuyang position sa kabilang direksyon.
- Kung ang bagong order ay baliktad sa kasalukuyang order at mas maliit ang volume nito, bababa ang volume ng kasalukuyang position.
Paano ka magti-trade sa account na may hedging accounting model?
Kapag nagti-trade sa hedging account model, pwede kang mag-open ng kahit ilang position na gusto mo sa magkabaliktad na direksyon kada instrument, basta't may sapat na margin para i-open at panatilihin ito.
Kung may open order ka na sa isang instrument at gusto mong mag-open ng isa pa, magkakaroon ka ng higit sa isang open position. Di kagaya ng netting model, sa hedging model, walang impluwensya sa mga kasalukuyang position ang pag-open ng bagong position sa isang instrument.
Nakatulong ba ang artikulong ito?
Ang galing!
Salamat sa iyong puna
Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong
Salamat sa iyong puna
Ipinadala ang feedback
Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo